Bukas isasagawa na ang prusisyon para sa mga replica ng Black Nazarene.
Ito ay bahagi pa rin ng taunang pagdiriwang ng kapistahan sa Quiapo, Maynila.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), aabot sa 2.29 kilometers ang tatahakin ng prusisyon.
Narito ang ruta ng prusisyon para sa replica ng Itim na Nazareno:
– Plaza Miranda
– kaliwa sa Quezon Blvd.
– kaliwa sa Gil Puyat
– kanan sa Evangelista St.
– kanan sa Recto Ave.
– kanan sa Loyola St.
– kanan sa Bilibid Viejo
– kaliwa sa Guzman St.
– kanan sa Hidalgo St.
– kaliwa sa Barbosa St.
– kanan sa Globo De Oro
– kanan sa Palanca St.
– kanan sa Villalobos
– at babalik sa Plaza Moiranda
Magsisimula ang prusisyon ng replica ng Itim na Nazareno, alas 2:00 ng hapon bukas, January 7 araw ng Sabado.