Huling namataan ng PAGASA ang nasabing LPA sa 610 kilometers East ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Ayon sa PAGASA kung tuluyang lalakas at magiging isang bagyo ay papangalanan itong Auring at magiging unang bagyo sa bansa ngayong taong 2017.
Dahil sa nasabing LPA, makararanas ng maulap na papawirin ang buong Mindanao ngayong araw na mayroong mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan.
Samantala, umiiral naman ang Northeast Monsoon sa buong Luzon at Visayas.
Ayon sa PAGASA, mahinang pag-ulan naman ang aasahan sa mga rehiyon ng Cagayan Valley, Cordillera, Bicol, CALABARZON, MIMAROPA, Eastern Visayas at sa lalawigan ng Aurora.
Bahagyang maulap naman na mayroong isolated at mahinang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.