Ito ay makaraang mapatunayan ng anti-graft body na guilty si Vitriolo sa grave misconduct, gross neglect of duty, incompetence and inefficiency at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (Republic Act No. 6713).
Dahil dito, sasampahan din si Vitriolo sa Sandiganbayan ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019).
Lumabas sa imbestigasyon ng Ombudsman na nabigo si Vitriolo na pa-imbestigahan at ipatigil ang anomalya sa diploma mill at sa pagpayag nito sa Pamantansan Lungsod ng Maynila (PLM) na mag-isyu ng transcripts of record at diploma base sa isang suspendidong education program.
Lumalabas din na hindi ito ang unang pagkakataon na pinarusahan ng Ombudsman si Vitriolo dahil sa kwestiyunable nitong aksyon, dahil una na itong sinuspinde noong 1999 dahil sa pagpirma sa isang memorandum kahit na hindi naman ito otorisadong lumagda dito.