Ayon kay Chinese foreign ministry spokesman Geng Shuang, nagsasagawa ng scientific research at pagsasanay ang Liaoning aircraft carrier group, alinsunod sa kanilang mga plano.
Layunin aniya nito ang masubukan ang performance ng kanilang mga weapons at equipment.
Sa isa namang official microblog ng People’s Liberation Army Navy, ibinalita nilang nagsagawa sila ng drills sa South China Sea gamit ang kanilang mga fighter jets at helicopters.
Sinimulan ng China ang exercises ng mga barko kasama ang Liaoning sa South China Sea, mula pa noong nakaraang buwan.
Nagsanhi ito ng tensyon sa pagitan ng China at ng mga bansang umaangkin rin sa teritoryo sa South China Sea, partikular na ang Taiwan.