Amain ng batang na-suffocate sa kotse, hawak na ng MPD

dead suffocation
Kuha ni Jong Manlapaz

Hawak na ng mga tauhan ng Manila police District ang ama-amahan ng walong taong gulang na batang babae na namatay makaraang ma-suffocate sa loob ng isang kotse sa Tondo, Maynila.

Nahaharap sa kasong negligence at reckless imprudence resulting in homicide ang amain ng biktimang si Victor Papa matapos masawi ang biktimang si Janna Jacoba sa loob ng kanyang minanehong kotse.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District Homicide Division, walang ‘foul play’ sa pagkamatay ng biktima.

Gayunman, kailangan aniyang may managot sa insidente na ikinasawi ng biktima.

Matatandaang natagpuan na lamang ang wala ng buhay na biktima sa likurang bahagi ng kotse kahapon matapos maiwan sa loob ng sasakyan.

Galing sa maghapong pamamasyal ang biktima at siyam sa pamilya nito kaya’t nang makauwi dakong alas 3:00 ng madaling-araw noong January 4, walang nakapansin umano na hindi bumaba ng sasakyan ang bata na nakatulog sa likurang bahagi ng sasakyan.

Nang makauwi, walang nakapansin na tulog pa rin ang bata sa likod ng sasakyan.

Habang nakaparada, tinabunan pa umano ng trapal ang sasakyan kaya’t walang nakapansin na nasa loob pa ang bata.

Hapon na nang mapagtanto ng mga kaanak ng biktima na nawawala ang bata kayat nang hanapin, kanilang ikinabigla na naiwan pala ito sa loob ng kotse.

Read more...