US, naglabas ng travel advisory sa Bangladesh

us depot stateNaglabas ang Estados Unidos ng babala sa pag-biyahe patungong Bangladesh, at mas hinigpitan pa ng pamahalaan ang pagpayag sa mga kaanak ng US government officials na sasama patungo sa naturang bansa.

Ayon sa US State Department, nagpapatuloy pa rin ang mga banta mula sa mga teroristang grupo sa Bangladesh.

Dahil dito, inanunsyo ng State Department na tanging mga employed adult family members lang ng mga US government personnel ang maaring manatili sa Dhaka.

Mula kasi noong taong 2015, nakaranas ng sunud sunod na karahasan mula sa mga extremist groups ang Bangladesh na itinuturing na “traditionally moderate Muslim nation.”

Noong Hulyo lang ng nakaraang taon, isang restaurant sa Dhaka na kilala sa mga dayuhan ang inatake kung saan 20 na mga bihag ang pinatay kabilang na ang isang Amerikano.

Ayon pa sa kagawaran, nagbanta ang Islamic State noong Oktubre na tatargetin nila ang mga turista, diplomats, bumibili ng garments, misyonaryo at mga sports teams.

Nananatili namang bukas ang US Embassy sa Dhaka, ngunit hinimok nila ang kanilang mga mamamayan na mas pag-ibayuhin pa ang pag-iingat.

Read more...