Bautista pumalag sa pagdidiin sa kanya sa “Comeleak”

Andres Bautista1
Inquirer file photo

Kinuwestyon ni Comelec Chairman Andres Batutista ang inilabas na findings ng National Privacy Commission kung saan siya lang ang pinapanagot sa naganap na “Comeleak” noong nakaraang taon.

Magugunitang buwan ng Marso, 2016 nang magleak ang ilang vital informations ng halos ay 55 Milyon na mga Pinoy voters.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Bautista na ibinase ng NPC ang kanilang imbestigasyon sa “misappreciation of several facts, legal points and interested contexts”.

Sa kanilang 35-page decision, sinabi ng NPC na nilabag ni Bautista ang Sections 11,20 at 21 ng Republic Act 10173 o mas kilala sa Data Privacy Act.

Nakumpromiso umano ang ilang mahahalagang detalye ng pagkatao ng mga botante dahil sa kapabayaan ng pinuno ng poll body.

Inutusan rin ng komisyon si Bautista na pangalanan ang data protection officer ng Comelec kasabay ng pagsasagawa ng agency-wide privacy impact assessment sa buong sistema ng Comelec.

Sinabi rin ng NPC na dapat magsagawa ang tanggapan ni Bautista ng physical at technical security measures para hindi na maulit ang nasabing insidente at bilang pagtalima sa mga probisyon ng data privacy law na umiiral sa bansa.

Read more...