Biyahe ng MRT, nagka-aberya

Nakaranas na naman ng aberya ang biyahe ng Metro rail Tranist, matapos na huminto ang isa nitong tren dahil sa technical problem.

Sa ulat ng pamunuan ng MRT, huminto ang isa nitong tren sa pagitan ng Santolan at Ortigas stations southbound kaninang alas 9:56 ng umaga.

Alas 10:03 ng umaga nang pababain ang mga pasahero ng nagkaproblemang tren sa bahagi ng Ortigas station.

Makalipas ang ilang minuto ay naibalik naman agad sa normal ang biyahe ng tren.

Kahapon, dalawang beses na nakaranas ng aberya ang biyahe ng MRT.

Ang una ay bagomag alas 9:00 ng umaga kung saan pinababa ang mga pasahero sa Ortigas station dahil din sa naranasang problema ng tren.

Bago naman mag alas 6:00 ng gabi, isa pang tren ng MRT ang nagkaproblema kaya pinababa din ang mga sakay nito sa Santolan station northbound.

 

 

Read more...