WATCH: Pinoy, wagi ng halos P5M sa half-court shot contest ng NBA

IG Photo
IG Photo

Wagi ang isang Filipino-American basketball fan ng 95,000 US Dollars o katumbas ng 5 milyong piso sa half-time contest sa NBA.

Si Jerald Acoba, 30 anyos mula Tulare, California ay lumahok sa half-court shot contest ng NBA sa game ng Los Angeles Lakers kontra Memphis Grizzlies na ginanap sa Staples Center.

Nagawa ni Acoba na mai-shoot ang bola mula sa half-court dahilan para maiuwi nito ang cash prize.

Sa kaniyang instragram account, sinabi ni Acoba na siya ay isang Pinoy.

Aniya, gagamitin niya ang napanalunang pera sa pagbili ng bagong kotse para sa kaniyang ina.

Bagaman masayang-masaya sa naiuwing cash prize, sinabi ni Acoba na pinakamasayang bahagi ng kaniyang pagkapanalo ay ang makasalamuha ang mga idolo niyang manlalaro ng Lakers.

 

Read more...