Ayon kay De Lima, panibagong propaganda lang ito ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre para sisihin ang iba at hindi ang kanilang sarili.
Aniya sa panibagong alegasyon na ito pinalalabas ni Aguirre na inutil ang pamunuan ng New Bilibid Prisons (NBP) dahil hindi kayang protektahan ang mga preso.
Giit pa ng senadora ang dapat tanungin ni aguirre ay ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Special Action Force (SAF) na tila natulog sa pansitan kayat nagkaroon ng riot sa Building 14 sa maximum security compound ng Bilibid.
Dagdag pa ni De Lima ginagawa sila ni aguirre na panakip butas sa insidente.
Banggit pa ni De Lima nagsisinungaling lang uli si Aguirre at pagdidiin pa nito ano pa ba ang aasahan sa isang opisyal ng gobyerno na “peke ang buhok at walang bayag”.