WATCH: MMDA nagsagawa ng clearing operations sa Tandang Sora

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Sinuyod ng mga tauhan ng Sidewalk Clearing Operations Group ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kahabaan ng Tandang Sora Avenue sa Qurezon City hanggang sa bahagi ng Luzon Avenue.

Isa-isang inalis ang mga puwesto ng mga tindahan na halos umokupa na sa daanan ng pedestrian na perwisyo sa mga dumadaan lalo na ang mga nagmamadaling makapasok tuwing rush hour.

Binaklas at giniba ng mga tauhan ng MMDA ang tila permanente nang istruktua na inilagay ng ilang mga vendor katulad na lamang ng tindahan na ito ng buko na yari sa bakal

Pati ang tindahan ng pagkain na nasa ilalim ng footbridge sa Tandang Sora ay hindi rin nakaligtas.

Ayon kay MMDA-SCOG Chief Francis Martinez, hindi na muna nila kinumpiska ang paninda ng mga vendor kundi kinuha lamang nila ang mga gamit nila sa pagtitinda tulad ng mga istante at kahoy.

Hindi rin nakaligtas sa mga otoridad ang tindahan ng bloke-blokeng yelo na ipinuwesto sa sidewalk ng Luzon Avenue.

Sinabi pa ni Martinez na padadalhan nila ng sulat ang mga opisyal ng barangay na nakasasakop sa lugar kung saan sila nagsagawa ng clearing operations, at kapag bumalik pa umano ang ganoong kalakaran ay tiyak na mananagot na sa Ombudsman ang mga pabayang opisyal ng barangay.

 

Read more...