Ayon kay Poland Prime Minister Ewa Kopacz, umaabot sa 38 degrees Celsius ang init sa Poland at wala silang nararanasang pag-ulan. Dahil dito, natutuyo na rin ang mga pananim.
Ang water level sa Vistula river at iba pang ilog ay patuloy rin sa pagbaba.
Ayon kay Kopacz, inaasahang titindi pa ang epekto ng heat wave sa susunod na mga araw. “The situation resulting from the heat wave is serious and we have bad forecasts for the next 10 or 11 days,” sinabi ni Kopacz.
Umapela din ang prime minister sa pubiko na magtipid sa paggamit ng kuryente sa pmamagitan ng pagbabawas sa paggamit sa enerhiya sa pagitan ng alas 10:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon. / Dona Dominguez – Cargullo