Walang banta ng terorismo sa prusisyon ng Itim na Nazareno; pero signal ng telepono, puputulin sa kasagsagan ng prusisyon

FEAST OF THE BLACK NAZARENE/JAN.9,2016 The Black Nazarene procession as the carriage passes Escolta, Manila. INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA
FEAST OF THE BLACK NAZARENE/JAN.9,2016 INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA

Wala pang namomonitor nab anta ng terorismo ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa nalalapit na traslacion ng Itim na Nazareno na dinarayo ng milyung-milyong deboto.

Sa kabila nito, sinabi ni NCRPO chief, Director General Oscar Albayalde, handa silang tumugon sa anumang magiging mga kaganapan, katuwang ang augmentation team mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa pagtaya ng Manila Police District (MPD) aabot sa labinglimang milyong deboto ang lalahok sa aktibidad.

Samantala sa isinagawang press briefing sa Maynila, sinabi ng AFP na puputulin ang signal ng mga network sa kasagsagan ng prusisyon.

Partikular na gagamitin ng signal jamming ang ruta na daraaanan ng Itim na Nazareno.

Mahigpit ding ipagbabawal ang paggamit ng drones sa lugar bilang bahagi ng pagpapatupad ng seguridad.

 

 

Read more...