S
Paliwanag ni Budget Secretary Benjamin Diokno, may ipinasa kasing batas noon si Ramos na nagsasaad na kapag tumaas ang sweldo ng mga aktibong sundalo, otomatiko ring tataas ang pension ng mga retiradong sundalo.
Iginiit pa ni Diokno na kapag itinuloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dobleng-sahod sa mga sundalo, magmimistulang ang 70% ng pondo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay mapupunta lang sa pang-pension ng mga retiardong sundalo.
Gayunman, wala naman aniyang dapat na ipag-alala ang mga sundalo kung hindi pa matutupad ang dobleng-sahod dahil kasama naman sila sa ipatutupad na salary standardization law na ngayon ay nasa ikalawang buhos na.