Mahigit 100 armadong lalaki sumalakay sa North Cotabato District Jail, mahigit 100 preso, pinatakas

North Cotabato District JailSinalakay ng mahigit isangdaang armadong lalaki ang North Cotabato District Jail kaninang alas 12:30 ng madaling araw.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson Chief Inspector Xavier Solda, isang jailguard ang nasawi matapos tangkain ng mga gwardya ng bilangguan na harangin ang pagpapatakas sa mga preso.

Hindi pa matukoy ni Solda kung anong grupo ang sumalakay sa bilangguan.

Ayon naman kay Supt. Peter Bongat, officer-in-charge ng North Cotabato District Jail sa huling pagbilang nila sa mga bilanggo kaninang alas 4:00 ng madaling araw, umaabot sa 132 ang mga nakatakas. Pero sa update na inilabas ng jail warden pasado alas 9:00 ng umaga, hindi umano bababa sa 150 ang nakatakas na preso.

Pawang mga suspek umano sa mga kasong may kaugnayan sa droga at pambobomba ang mga nakatakas na bilanggo.

Nagkaroon pa aniya ng tatlumpung minutong palitan ng putok sa pagitan ng mga jailguard at mga sumalakay na grupo.

Patuloy ang ginagawang pagtugis ng mga otoridad sa mga tumakas na preso.

 

Read more...