Nadi, Fiji Island, niyanig ng magnitude 7.2 na lindol

USGS PhotoNiyanig ng magnitude 7.2 na lindol ang karagatang sakop ng Fiji pasado alas singko ng umaga oras sa Pilipinas.

Naitala ng US Geological Survey ang sentro ng lindol sa 221 kilometer southwest ng Nadi at may lalim na 15.2 kilometers.

Ayon sa Pacific Tsunami Warning Center, posibleng magdulot ng Tsunami sa mga baybayin na nasa 300 kilometers ang layo sa epicenter ng lindol.

Makalipas ang ilang minuto agad nasundan ng magnitude 5.7 na aftershock ang nasabing pagyanig.

Pinawi naman ng PTWC ang posibilidad na magdulot din ng Tsunami sa Hawaii ang nasabing lindol.

Samantala, pinawi na din ng Phivolcs ang pangamba na magdudulot ng Tsunami sa Pilipinas ang nasabing pagyanig,

 

Read more...