Tinawag na ‘incredulous’ o hindi kapani-paniwala ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga isiniwalat ni Edgar Matobato, ang self confessed killer at miyembro umano ng Davao Death Squad (DDS).
Ang tugon ni Communicaitons Secretary Martin Andanar ay reaksyon sa pahayag ni Matobato sa panayam ng Inquirer.net na siya mismo ay saksi sa pagpatay ng noo’y mayor ng Davao City na si Pangulong Rodrigo Duterte sa hindi bababa sa walo katao.
Giit ni Andanar, inulit lamang ni Matobato ang mga pahayag nito sa Senate inquiry.
Sa naturang pagdinig, ipinakita na aniya ng Senado na mahirap paniwalaan ang mga pahayag nito.
Samantala, tinawag naman na ‘damaged goods’ ni Sen. Richard Gordon si Matobato.
Inalala pa ni Gordon ang mga testimonya ni Matobato sa Senate hearing na aniya’y kulang-kulang at puno aniya ng ‘inconsistencies.’