Kakailanganin pang maghintay ng mga sundalo at pulis ng hanggang 2018 para maisakatuparan ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na madodoble ang kanilang mga sweldo.
Ayon kay Budget Sec. Benjamin Diokno, mas madali lang sabihin kaysa gawin ang 100 percent na pagtataas sa sahod ng mga sundalo at pulis.
Maaapektuhan kasi nito ang buwanang pension na natatanggap ng mga retiradong opisyal ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa nakikita ni Diokno, kakayanin ng pamahalaan na maibigay ang pangakong ito pagdating pa ng Enero 2018.
Gayunman, tiniyak naman ng kalihim na matatanggap ng mga sundalo, pulis at iba pang government workers ang kanilang ikalawang installment ng dagdag sweldo ngayong taon, alinsunod sa executive order ni dating Pangulong Benigno Aquino III.