Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, pinuri ng Yazhou Zhoukan Magazine si Pangulong Duterte dahil sa kanyang posisyon sa independent foreign policy kasabay ng pagdistansiya nito sa Estados Unidos at pakikipag-relasyon sa China.
Pinuri rin ang pangulo sa isang artikulo ng babasahin dahil sa pagtataguyod nito ng good governance at maigting na kampanya nito laban sa korupsiyon.
Ang magazine na Yazhou Zhoukan ang itinuturing na “Time” magazine sa China.
Ito ay may sirkulasyon sa mga major markets sa Hong Kong, Taiwan, Singapore at Malaysia.
MOST READ
LATEST STORIES