Marine Col. Ferdinand Marcelino sumuko na sa AFP

COL. MARCELINO / JANUARY 21, 2016 Col. Ferdinand Marcelino, (center) the former director of the Special Enforcement Services of the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) was arrested by operatives of PDEA and the Philippine National Police at Felix Huertas corner Batangas streets in Sta. Cruz, Manila, January 21, 2016, in a drug bust operation Thursday which yielded P320 million worth of methamphetamine hydrochloride (“shabu”).  INQUIRER PHOTO / NINO JESUS ORBETA
INQUIRER PHOTO / NINO JESUS ORBETA

Boluntaryong sumuko sa opisina ng Provost Marshal General ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si dating Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino matapos ipag-utos ng korte ang pagpapaaresto laban sa kanya kaugnay sa drug case.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, kasama ni Marcelino ang kanyang kapatid na babae ng sumuko alas-dose ng tanghali kanina.

Sa ngayon, pinoproseso na umano nila ang mga kinakailangan requirements kabilang na ang fingerprinting, mugshots at physical examination para kay Marcelino.

Ayon pa kay Arevalo, maghahain rin umano sila ng petition for custody sa korte upang sa AFP muna ang magkustudiya sa dating opisyal.

Noong isang linggo ay ipinag-utos ng korte ng pag-aresto kay Marcelino at sa Chinese na si Yan Yi Shuo makaraang makitaan ng probable cause ang reklamo kaugnay sa pagkaka-aresto sa kanila noong isang taon.

Umaabot sa P320 Million na halaga ng shabu ang nakuha kina Marcelino sa isinagawang raid ng mga otoridad sa isang townhouse unit sa Sta. Cruz sa Maynila.

Read more...