Naniniwala ang palasyo ng Malacañang na hindi na dapat pa ipinaabot hanggang sa lamesa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang problema sa isyu ng dagdag pensiyon ng para sa mga retiradong kasapi ng Social Security System (SSS).
Sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na napakarami ng problema ang pangulo at nadagdag pa ang problema sa dagdag pensyon na hindi kakayaning ibigay dahil sa posibilidad na masaid ang pondo ng ahensiya.
Ayon kay Diokno na dapat ay nalutas na sa level pa lamang ng mga opisyal ng SSS at hindi na ipinarating sa kongreso hanggang sa pangulo.
Sinabi ng kalihim na malinaw na kabiguan ito sa mga opisyal ng SSS Board at naipasa na lamang sa tanggapan ng pangulo.
Sinabi ni Diokno na hindi naman makatwirang balikatin ng mga ordinaryong Filipino ang problema sa SSS sa sandaling maubos ang pondo kapag ipinatupad ang dalawang P2000 dagdag pension.