Ilang flights kanselado ngayong araw dahil sa masamang panahon

NAIA Terminal 3Ilang flights ang nakansela ngayong araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa masamang panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang flight ng Cebu Pacific na 5J 373 Manila – Roxas at ang return flight nito na 5J 374 Roxas – Manila.

Ayon sa MIAA, hindi maganda ang panahon ngayon sa bahagi ng Roxas kaya kinansela na ang biyahe.

Kanselado na rin ang flights 5J 895 at 896 Manila-Caticlan-Manila

 Pinayuhan naman ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund.

 

Read more...