Mga pasaherong nagbakasyon sa lalawigan, balik Metro Manila na

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Dagsa na sa mga terminal at pantalan ang mga pasahero na nagbakasyon sa kani-kanilang lalawigan nitong katatapos na holiday season.

Sa Araneta Center Bus Terminal sa Cubao, Quezon City, dagsa ang mga pasahero pero mas kaunti ang bilang kung ikukumpara sa mga nagsiuwian kahapon na huling araw ng holiday.

Samantala, sa Bicol Central Station sa Naga City, umabot sa mahigit 50,000 ang chance passengers ang pumila sa terminal para umuwi sa Maynila. Marami sa kanila, nasa terminal na Linggo pa lamang ng gabi.

Sa Batangas Port naman sa Batangas City, nasa 10,000 pasahero ang dumating sa terminal ayon sa Philippine Coast Guard na pawang pauwi din ng Metro Manila.

 

Read more...