Lalaking hinihinalang biktima ng summary execution, itinapon sa Ilog Pasig

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Isang lalaking hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa gilid ng Ilog Pasig sa likod lamang ng Central Post office sa Lungsod ng Maynila.

Nakasuot ng kulay dilaw na sando at fatigue na short pants ang biktima at tadtad ng tattoo sa katawan.

Kuha ni Richard Garcia

Binalutan pa ng packaging tape ang biktima sa bibig saka sinuotan ng plastic ang mukha at tinaliaan ng alambre sa kanyang leeg.

Tinatayang nasa 5’5 hanggang 5’7 ang taas nito, katamtaman ang pangangatawan at nasa 35 hanggang 40 anyos.

Ayon sa Homicide Section ng Manila Police District (MPD), itinapon lamang sa lugar ang biktima upang iligaw ang imbestigasyon ng pulisya.

Dinala na sa Archangel Funeral Homes ang biktima.

 

 

Read more...