2 sakay ng motorsiklo patay sa aksidente sa Malabon

Malabon-CityNasawi ang dalawang sakay ng isang motorsiklo matapos maaksidente sa Malabon.

Naganap ang aksidente sa bahagi ng M.H. Del Pilar Street sa Barangay Tinajeros.

Ayon sa mga residente sa lugar, napansin nilang sobrang bilis ng andar ng motorsiklo at pagkatapos ay sumalpok ito sa gutter.

Dahil sa lakas ng pagkakasalpok, kapwa tumilapon ang dalawang sakay ng motor na agad nilang ikinasawi.

Aminado naman ang mga kaanak ng dalawa na nakainom ang mga ito.

 

 

Read more...