Mga sundalo sa N. Cotabato at Maguindanao, sinalakay ng BIFF

Hinihinalang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumalakay sa dalawang magkahiwalay na insidente sa mga sundalo sa North Cotabato at Maguindanao noong bisperas ng Bagong Taon.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines, tinatayang nasa 40 na armadong kalalakihan ng pawang mga miyembro ng BIFF ang sumugod sa Army detachment ng Alpha Company ng 34th Infantry battalion na nasa Brgy. Nabalawag, sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.

Tumagal ng 30 minuto ang engkwentro sa pagitan ng mga armadong lalaki at ng mga sundalo, na ikinasugat pa ng isang sibilyan nang tamaan siya ng shrapnel.

Bukod dito, may mga hinihinalang miyembro rin ng BIFF na sumalakay naman sa 21st Mechanized Company sa Brgy. Elian sa Datu Saudi-Ampatuan sa Maguindanao.

Wala namang naitalang nasawi sa naturang insidente na naganap dakong alas-6:00 ng gabi ng Sabado.

Read more...