White House, kinondena ang ‘Santa attack’ sa Istanbul, Turkey

 

Mariing kinondena ng White House ang panibagong pag-atake sa Istanbul, Turkey na ikinamatay ng tatlumpu’t limang partygoers.

Ayon kay White House spokesman Eric Schultz, naiparating na national security team kay U.S. President Barack Obama ang terrorist attack sa Reina nightclub sa Istanbul.

Bagama’t nagbabakasyon sa Hawaii kasama ang pamilya, hiniling ni Obama na mai-update siya hinggil sa sitwasyon sa Istanbul matapos ang krimen.

Sinabi naman ni White House National Security Council spokesman Ned Price, ang pag-atake sa mga inosenteng tao na nagpa-party lamang para sa pagsalubong sa Bagong Taon ay malinaw na kalupitan ng mga terorista.

Nakikiramay aniya ang Estados Unidos sa mga kaanak ng lahat ng mga nasawi sa pag-atake.

Pagtitiyak ni Price, handang sumuporta ang Amerika sa NATO ally na Turkey, lalo’t kapwa lumalaban sa terorismo ang dalawang bansa.

Ang attacker ay nakasuot umano ng Santa Claus costume nang pagpapatayin ang mga biktima sa nightclub, habang apatnapu ang sugatan.

Read more...