Ayon kay Frank Padilla, Servant General ng Couples for Christ Foundation for Family and Life (CFC-FFL), mas malaking hamon ang planong agarang implementasyon nito ng Department of Health kumpara sa mga ibang isyu sa bansa.
Sa mensahe nito sa kapistahan ng Holy Innocents, sinabi nito na ang pagtanggap dito ang magsisilbing simula ng paglaganap ng bilang ng kamatayan sa bansa sa pamamagitan ng aborsyon.
Banat pa ni Padilla, hindi nalalayo na magiging legal ang aborsyon sa darating na panahon ngunit mapipigilan aniya ito kung aaksyon ang mga tutol dito.
Kamakailan, matatandaang inanunsiyo ni Health Undersecretary Gerardo Bayugo ang limampu hanggang isang daang milyong pondo para sa pagpapamigay ng condom para sa HIV-AIDS awareness campaign ng ahensya.