Inaasahang papatak mula sa kalangitan ang mga meteor shower bukas ng gabi, araw ng Miyerkules hanggang sa madaling araw ng Huwebes.
Makikita ang taunang Perseids sa ganap na ika -11 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga ng Huwebes.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), pinapayuhan ang mga star gazes na magmasid hanggang bandang 1 ng madaling araw kung saan magbubuga ang kalangitan ng hanggang 50 bulalakaw.
Mula sa konstelasyong Perseus ang nasabing meteor shower na Perseids.
Ayon sa PAGASA, inaasahan ang makapal na ulap sa buong bansa dahil sa kasalukuyang tag ulan na panahon.
Dagdag ni Rex Guerrero ng PAGASA Astronomy Division, magandang pagmasdan ang pangyayaring ito dahil hindi gaanong masyadong maliwanag ang buwan, ngunit dahil medyo maulap ang kalangitan, kaya asahan na hindi gaanong makikita ng ilan.
Pinapayuhan pa ni Guerrero na tumingin sa silangang bahagi ng kalangitan, kung saan makikita din ang konstelasyon ni Perseus.
Ang Perseids Meteor Shower ay isa sa mga maliliwanag na meteor shower, at isa sa mga inaasahang stellar shows ngayong taon, kasama ang Leonides at Geminids meteor showers, na mangyayari sa November at December ngayong taon./Stanley Gajete