2016 Yolanda rehabilitation budget, tumaas

abad
Inquirer file photo

Tiniyak ni Budget Secretary Butch Abad na ang rehabilitasyon sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda, ay bahagi pa rin ng pambansang budget ng 2016.

Sa katunayan ani Abad, tumaas pa nga ito.

Kasama sa 2016 budget ang halagang P18.9 billion na tinawag na “The Yolanda Comprehensive Rehabilitation and Recovery plan.”

Aniya, dinagdagan ang budget ng rehablitation mula sa dating P13billion na budget ngayong taon.

Para naman sa mga flood control projects, drainage, at disaster-related rehabilitation projects para sa taong 2016, may budget na P60.444 billion ang ilalaan, kumpara sa P46.194 billion budget ngayong taon.

Sinabi din ni Sec. Abad na dinagdagan nila ang budget para sa Climate Change mula P16.79 billion noong 2009 hanggang P129.3 billion ngayong taon.

Mula naman sa P38.6 billion budget ngayong taon, dinagdagan ng aquino administration ang budget para sa suporta sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na P54.9 billion, at sa kabuuang suporta, P29.4 billion ay para sa ARMM.

Gagamitin naman P6.26 billion para sa may 2016 Presidential Elections, at P6.694 billion para sa Barangay at SK polls.

Para sa full implementation ng K to 12 simula taong 2016, magkakaroon din ng P58.3 billion na dagdag na budget ang Department of Education (deped) upang makapaglagay na ng senior high school.

Ang total budget ng DepEd para sa 2016 ay nagkakahalagang P435.996 billion, mula sa ngayong taong P377.719 billion.

Dinagdag din ni abad na P43.836 billion ang inilaan sa National Health Insurance Program, upang mabenepisyuhan ang 15.4 million mga katutubo at 2.8 million senior citizens.

Sa ilalim ng 2016 budget, mabibigyan naman ang Department of Public works and Wighways (DPWH) ng P203.769 billion upang makumpleto ang mga kalsada at tulay./ Stanley Gajete

Read more...