Surigao del Norte, niyanig ng 4.2 magnitude na lindol

LindolNiyanig ng 4.2 magnitude na lindol ang General Luna, Surigao Del Norte, sa unang araw ng 2017.

Sa record ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, naramdaman ang lindol dakong 5:57 ng umaga.

Ito ay may lalim na limang kilometro at tectonic ang origin.

Bago ito, nagkaroon din ng mga mahihinang pagyanig sa iba’t ibang lugar sa buong magdamag.

2.2 magnitude na lindol ang nairekord sa Batangas; 2.6 magnitude na lindol sa Governor Generoso, Davao Oriental; 2.8 magnitude na lindol sa Baliguian, Zamboanga del Norte at 2.4 magnitude na lindol sa Candoni, Negros Occidental.

Kapwa tectonic ang mga lindol, at walang nasirang ari-arian habang wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...