LPA, makakaapekto sa Mindanao ngayong unang araw ng 2017

pagasa-logo-298x224Isang low pressure area o LPA ang makakaapekto sa Mindanao Region ngayong unang araw ng taong 2017.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat sa Mindanao ngayong araw ng Linggo.

Ang Luzon at Eastern Visayas naman ay magiging maulap na may pag-ulan din, pero ito ay dahil sa northeast monsoon o Amihan.

Ang iba pang parte ng Visayas ay bahagyang magiging maulap na may isolated rainshowers o thunderstorms.

Sa pagsalubong ng Bagong Taon ay inulan ang maraming bahagi ng Metro Manila at karatig na mga lalawigan.

Read more...