Katiwasayan at Katatagan sa mga Pilipino, hiniling ni VP Robredo ngayong bagong taon

ROBREDO NEW YEARHinikayat ni Vice President Leni Robredo ang mga Pilipino na manatiling matatag at huwag mawalan ng pag-asa para sa kapayapaan sa pagpasok ng Bagong taon.

Sa inilabas na New Year message ni Robredo, hiniling nito na magkaroon ng liwanag at katiwasayan ang bawat tahanan anuman ang pagdaanang unos ng bansa.

Dagdag pa nito, dapat lang aniyang matutong tumanaw ng pasasalamat upang mahanap ang pag-asa bawat darating na pagsubok.

Sa kabila ng ilang pagkakaiba kay Pangulong Rodrigo Duterte, nananatiling positibo si Robredo na magiging maganda ang papasok na taon para sa bansa.

Ito ay kung mananatili aniyang simple at mas magiging maunawain ang mga Plipino.

Read more...