DOH, nanawagan sa mga magulang na bantayang maigi ang mga anak ngayong bagong taon

Ubial-DOHBinigyang-paalala ng Department of Health ang mga magulang na pagtuunang pansin ang mga anak ngayong selebrasyon ng bagong taon.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Rosell Ubial, nananawagan ito na hangga’t maaari panatilihin na lamang ang mga bata sa loob ng bahay.

Aniya, pitumpu’t pitong porsyento sa mga firecracker injuries ay nagmumula sa mga bata.

Samantala, sinabi ni DOH spokesperson Dr. Eric Tayag na aabot sa 116 na kaso na ng firecracker injuries ang naitatala mula December 21 hanggang 30.

Read more...