Mahigit-kumulang 2,160 katao ang napatay sa ilalim ng Project Double Barrel Alpha ng Philippine National Police sa kampanya kontra iligal na droga.
Batay sa datos ng PNP, aabot sa 2,167 drug suspects ang napatay habang 43,114 na indibidwal naman ang naaaresto sa isinagawang 40,371 anti-drug operations mula July 1 hanggang alas sais ng umaga ngayong araw, December 31.
Sa hanay ng mga pulis, dalawampu’t isa ang napatay at animnapu’t isa ang sugatan habang tatlong sundalo naman ang patay at walo ang sugatan sa loob ng anim na buwang pagsugpo ng pamahalaan sa droga.
Sa kaparehong petsa, nabisita ng PNP ang 5,911,306 na bahay sa ilalim ng Project Tokhang na nagresulta sa pagsuko ng 1,007,153 drug personalities; 74,916 dito ay pushers at 932,237 naman ang mga umaming gumagamit ng droga.