Kim Kardashian, magkakaroon ng “gig” sa UAE sa Enero

inquirer.net

Magkakaroon umano ng kauna-unahang “gig” sa UAE sa Enero ang controversial celebrity na si Kim Kardashian matapos ang hindi magandang pangyayaring naganap sa Paris, France.

Sa mga naglabasang marketing material nito, sa Dubai gaganapin ang nasabing gig nito.

Sa January 13, 2017 tutulak sa UAE ang reality star kasama ang kanyang malapit na kaibigan na si Mario Dedivanovic para naman sa makeup masterclass nito.

Samantala, aabot sa halos one million dollars ang magiging bayad kay Kim Kardashian sa lahat ng proyekto at appearances na gagawin nito sa UAE.

Read more...