VP Robredo, nanindigang hindi siya sangkot sa “oust duterte plot”

Leni RobredoMariing itinanggi ni Vice President Leni Robredo na may alam siya at may kinalaman sa anumang plano na patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ginawa ni Robredo ang pahayag kasunod ng pag-amin ni Pangulong Duterte na kaya niya pinatigil sa pagdalo sa mga cabinet meeting si Robredo ay dahil sa pagsama nito sa mga grupo na gusto siyang alisin sa posisyon.

Pero, nanindigan si Robredo na hindi siya dumalo sa anumang rally na nananawagan sa pagbibitiw ng pangulo.

Iginiit ni Robredo na hindi conspiracy ang kritisismo at hindi dapat iniuugnay sa “oust Duterte plot” ang mga kritikal na balita pati na ang mga tao, pagtitipon at facebook post na nagpapakita ng galit sa pamahalaan.

Ipinaalala ni Robredo na bawat pilipino ay may karapatan na magpahayag ng kanilang opinyon sa ilalim ng demokrasya at kasama dito ang mga puna laban sa kasalukuyang administrasyon.

Sa pagkakaintindi rin aniya niya, ang mga kritisismo kontra sa presidente ay mga reaksyon sa sarili nitong mga pahayag tulad sa usapin ng Marcos burial, extrajudicial killings, pagbabalik ng death penalty at pag-atras sa claim ng bansa sa West Philippine Sea.

 

Read more...