Cristiano Ronaldo, tinanggihan ang alok ng Chinese team

inquirer.net

Tinanggihan umano ng World Player of the Year Cristiano Ronaldo ang 300 million euros na alok ng hindi pinangalanang Chinese team ang paglipat nito mula sa koponang Real Madrid.

Sinabi ng agent nito na si Jorge Mendes, na inalok ng nasabing halaga ang football superstar para sa kanyang transfer fee.

Gayunman, tinanggihan ni Ronaldo ang nasabing alok dahil aniya masaya siya sa Real Madrid.

Giit pa ng agent na hindi mabibili ng pera ang samahan na mayroon si Ronaldo sa kanyang koponan.

Noong nakaraang linggo naman ay umanib na rin si Brazil midfielder Oscar sa kalaban nito na Shanghai SIPG mula sa Chelsea dahil sa deal na halos 60 million euros.

 

 

 

 

 

 

Read more...