Lumalabas sa imbestigasyon na isang tauhan ng Cubao Police Station Anti-Illegal Drugs ang nagpanggap na poseur buyer at positibo umanong nakabili ng halagang 3,500 pesos na shabu mula kay Martin.
Una umanong nagkasundo ang suspek at ang pulis na poseur buyer sa isang binguhan sa Cubao P. Tuazon magkikita ngunit pinapunta daw ni Martin ang katransaksyon sa isang fastfood chain sa may tapat ng ABS-CBN.
Dito na naisakatuparan ng mga operatiba ng SAID ang transaksyon.
Agad na inaresto ang suspek na si Martin na nakuhanan ng ilang sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng limampung libong piso at mga drug paraphernalia.
Depensa naman ni Martin, napag-utusan lamang daw siya ng isang nangangalang Boss Buddy.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2012.
Kaugnay nito, sa inilabas na official statement ng ABS-CBN na meron silang umiiral na drug-free workplace policy at hindi nila kinukunsinte ang paggamit at pagbebenta ng kanilang mga empleyado.
Dagdag pa dito, sisiguruhin ng nasabing istasyon na sinuman sa kanilang mga empleyado ang mapatunayang may kinalaman sa illegal na droga ay mabibigyan ng karampatang aksyon alinsunod sa polisya ng kumpanya at sila ay nakikipagtulungan sa mga otoridad kaugnay ng naturang insidente.