DOLE, magbibigay ng emergency employment sa mga nawalan ng trabaho sanhi ng Bagyong Nina

Silvestre-Bello-IIIIkinakasa na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang ipagkakaloob na tulong sa mga manggagaawang nawalan ng trabaho dahil sa Bagyong Nina.

Naglabas ng kautusan si Labor Secretary Silvestre Bello na pakilusin ang lahat ng regional office ng DOLE lalo na sa mga lugar na labis na tinamaan ng Bagyong Nina.

Ito ay upang mapabilis na ang pagbibigay ng emergency employment sa lahat ng naapektuhan na manggagawa.

Kasama naman sa proseso ang profiling ng mga manggagawa kasama ang lokal na pamahalaan at Public Employment Service Offices.

Ani Bello, popondahan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers o TUPAD ang nasabing emergency employment program bilang pasguporta nito.

Ang TUPAD ay isang programa ng DOLE na nagbibigay ng panandaliang trabaho sa naging biktima ng kalamidad.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...