Gayunman, ayon sa pangulo, hindi siya nagtatagumpay sa pagtakas sa PSG.
May pagkakataon aniya na minsan ay nagpapasundo siya kay Secretary Bong Go sa palasyo pero paglabas ng kanilang sasakyan sa compound ng Malakanyang ay nakabuntot na ang mga tauhan ng PSG.
Ikinwento pa ng pangulo na maging ang kaniyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte ay tinakasan na rin ang PSG noong hindi pa siya buntis sa pangatlong anak.
Nagawa umano ni Mayor Sara na makalipad mula Davao patungo Pg palawan ng walang kasamang PSG.
Gayunman, pagdating ng kanyang anak sa airport ng Palawan, naakbang na ang mga tauhan ng PSG.
MOST READ
LATEST STORIES