Naitalang firecracker related injuries, 116 na

Kuha ni Wilmor Abejero
Kuha ni Wilmor Abejero

Umabot na sa 116 ang naitalang bilang ng firecracker related injuries ng Department of Health.

Sa nasabing bilang, 115 ang nasugatan sa paputok at isa naman ang insidente ng firecracker ingestion.

Sa 115 na mga nasugatan sa paputok, 108 ay mga lalaki na ang edad ay nasa pagitan ng 3 hanggang anim na pu’t dalawang taong gulang.

Marami sa mga nabiktima ay menor de edad o kinse anyos pababa na aabot sa 89 na katumbas ng 78 percent.

Nananatiling ang National Capital Region ang may naitalang pinakamataas na bilang ng mga nasugatan na aabot sa 63.

Habang ang ipinagbabawal na paputok na piccolo pa rin ang pangunahing sanhi ng pagkasugat ng mga biktima.

 

 

Read more...