Nagsagawa ng “Iwas PapuToxic” community parade ang grupong EcoWaste coalition sa Project 6 sa Quezon City, para hikayatin ang publiko na iwasan ang pagpapaputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Sa halip na gumamit ng mga paputok na delikado hindi lang sa kalusugan ng publiko kundi maging sa kapaligiran, hinikayat ng EcoWaste ang mga residente na gumamit na lamang ng mga alternatibong pampa-ingay sa pagsalubong sa taong 2017.
Aabot sa 500 residente, kasama ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection, mga pulis at lokal na pamahalaan ang sumama sa parada para hikayatin ang mga taga-Project 6 na makiisa upang makamit ang zero injury at zero fire community sa New Year revelry.
Sa halip na ibili ng paputok ang pera, sinabi ni EcoWaste na itago na lamang ang pera at gamitin sa mas kapaki-pakinabang na bagay.
Ayon sa Pulmonologist na si Dr. Maricar Limpin, ang usok mula sa paoutok ay delikado sa respiratory system lalo na sa mga bata, mga may edad, at mga may hika.
Sa isinagawang aktibidad, nagpakita ang mga lumahok sa parada ng iba’t ibang pamamaraan ng pag-iingay sa pagsalubong sa Bagong Taon, gaya na lamang ng paggamit ng maracas na gawa sa lumang lata at plastic bottles, at paggamit ng torotot.
WATCH: @EcoWastePH, LGU & constituents of project 6, in their Ligtas Salubong Iwas Paputoxic community program and parade – JOAN BONDOC pic.twitter.com/QVAMdqRMM6
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) December 30, 2016
WATCH: @EcoWastePH, LGU & constituents of project 6, in their Ligtas Salubong Iwas Paputoxic community program and parade – JOAN BONDOC pic.twitter.com/NdUaT1AoEi
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) December 30, 2016
WATCH: @EcoWastePH, LGU & constituents of project 6, in their Ligtas Salubong Iwas Paputoxic community program and parade – JOAN BONDOC pic.twitter.com/HG2K8848w5
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) December 30, 2016