Sunog na naitala ng BFP ilang araw bago ang 2017, bumaba kumpara noong nakaraang taon

File Photo | Kuha ni Jong Manlapaz
File Photo | Kuha ni Jong Manlapaz

Bumaba ang insidente ng sunog na naitala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ilang araw bago ang pagsalubong sa taong 2017, kumpara noong pagsalubong sa taong 2016.

Ayon sa BFP, as of December 27, nakapagtala ang BFP ng 539 na insidente ng sunog, kumpara sa 936 na naitala noong nakaraang taon.

Sinabi ni BFP chief, Director Bobby Baruelo, bumaba ng 42 percent ang naitalang insidente.

Ayon kay Baruelo, malaking tulong ang pagtaas ng awareness ng publiko kaya nagiging maingat na sila.

Muli namang pinayuhan ni Baruelo ang publiko na doblehin ang pag-iingat lalo na sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa halip din na magsindi ng paputok o fireworks sa mga bahay, hinikayat ng BFP ang publiko na magtungo na lamang sa mga lugar kung saan mayroong community fireworks display.

 

 

Read more...