Walang ‘pork’ ang 2016 National budget -Malacañang

abadNanindigan ang Malacañang na malinis sa pork barrel fund ang mahigit na tatlong Trilyong piso na panukalang 2016 Budget.

Reaksyon itong Malacanan na P145 billion ng 2016 budget pork kabilang ang P97.4 billion na lump sum mula sa Special Purpose Fund (SPF) bukod pa sa P50 billion na ikinalat sa iba’t-ibang departamento.

Ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma, matigas ang paninindigan ng administrasyon para sa bukas, transparent na pamamahala.

Pinaiiral din aniya nila ang may pananagutan na pamamahala lalo na sa makatuwirang paglalaan at paggastos ng pondo ng bayan.

Samantala, minaliit lamang ni Budget Secretary Butch Abad ang mosyon ni Atty. Bonifacio Alentajan sa Sandiganbayan na isama siya bilang principal accused sa plunder cases kaugnay sa Pork Barrel Scam.

Sa panayam sa Kamara, nagpasaring si Abad sa mga kritiko na magsampa ng kung anu-anong kaso laban sa kanya, dahil kaya naman daw niyang harapin ang mga ito.

Sinabi ni Abad na may mga abogado naman ang gobyerno na hahawak nito at kayang-kayang siyang idepensa.

Kumpiyansa naman si Abad na walang pupuntahan ang gusto ni Alentajan na masabit siya sa Pork Barrel cases.

Ani Abad, madaling mag-akusa at madaling maghain ng kaso, pero dapat may mga mabibigat na ebidensya laban sa kanya upang tumayo ang asunto sa korte.

At ang bagay na ito, hindi raw magagawa ni Alentajan.

Ayaw namang magbanggit ni Abad kung sino sa palagay niya ang nasa likod ng hakbang ni Alentajan, na matatandaang nasa likod din ng kaso laban sa kanya ukol naman sa Disbursment Acceleration Program o DAP.- Alvin Barcelona/ Isa Avendaño-Umali

 

Read more...