Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang commemoration rites sa Rizal Park sa Maynila para sa Rizal Day ngayong araw.
Maagang dumating si Duterte sa Rizal Park para sa aktibidad na nagsimula alas 7:00 ng umaga.
Pinagkalooban ang pangulo ng arrival honors na pinamunuan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Lt. Gen. Eduardo Año.
Dumalo din sa aktibidad ang ilang miyembro ng gabinete na kinabibilangan nina Executive Sec. Salvador Medialdea, Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay Jr., Defense Sec. Delfin Lorenzana, at chief presidential legal counsel Sec. Salvador Panelo.
Maging si Manila Mayor Joseph Estrada ay dumalo sa aktibidad na unang pagkakataon nagpakita sa publiko matapos maospital nitong nagdaang mga araw.
Binasa lamang ng pangulo ang kaniyang speech, at pagkatapos ay nagpaunlak ng selfie sa publiko.
Si Duterte ay biyaheng Hilongos, Leyte naman para bisitahin ang mga nasugatan sa pagsabog doon.
WATCH: Pres. Duterte arrives at Rizal Park pic.twitter.com/ORIOpTNon3
— leila salaverria (@LeilasINQ) December 29, 2016
WATCH: Pres. Duterte lays a wreath at the Rizal Monument pic.twitter.com/QtBB7JtnZK
— leila salaverria (@LeilasINQ) December 29, 2016
WATCH: Pres. Duterte thrills the crowd when he came to greet them after the Rizal Day commemoration pic.twitter.com/3rISHvDBg0
— leila salaverria (@LeilasINQ) December 30, 2016