Bali, Indonesia, niyanig ng magnitude 6.2 na lindol

Bali IndonesiaNiyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang Bali Indonesia, Biyernes (December 30) ng umaga.

Ang lindol ay naitala sa 300 kilometers east ng Bali at may lalim na 72 kilometers.

Ayon sa mga residente, tumagal ang pagyanig at maraming nagising sa mahimbing na pagkakatulog.

Wala namang itinaas na tsunami alert bunsod ng lindol.

Wala ring inaasahang pinsala o nasugatan sa pagyanig.

 

 

Read more...