Ayon sa PAGASA, magiging maaliwalas ang panahon sa pagsalubong sa Bagong Taon dahil wala pang ibang sama ng panahon o bagyo na palapit sa bansa.
Sa ngayon, tanging tail-end ng cold front ang naka-aapekto sa eastern section ng Northern at Central Luzon.
Sa pagtaya ng PAGASA, ngayong araw, makararanas ng maulap na papawirin na mayroong moderate at kung minsan ay malakas nap ag-ulan at thunderstorms sa Cagayan Valley Region at sa lalawigan ng Aurora.
Ayon sa PAGASA, maaring magdulot ng flashfloods at landslides sa nasabing rehiyon at lalawigan bunsod ng minsang malakas na buhos ng ulan.
Samantala, mahinang pag-ulan naman ang mararanasan sa mga rehiyon ng Ilocos at Cordillera.
Sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa, isolated rainshowers o thunderstorms lamang ang iiral.