8 pang police officials na idinawit ni Pangulong Duterte sa droga, sinampahan na ng reklamo

 

Walo pang mga opisyal n PNP na nauna nang tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na dawit sa operasyon ng iligal na droga ang ipinagharap na ng reklamo sa National Police Commission (Napolcom).

Reklamong ‘conduct unbecoming of a police officer’ ang kinakaharap ng mga police officials na sina Supt. Ipil Dueñas, dating intelligence officer ng Iloilo City police at Supt. Ronald Gepana, dating hepe ng Regional Police Intelligence Unit.

Samantala, ‘incompetence and gross neglect of duty’ naman ang isinampang reklamo ng Napolcom investigating team kina Senior Supt. Ricardo de la Paz, Supt. Noel Lamsis, Supt., Richard Gomboc, Supt. Roderick Condag at Chief Inspector Vicente Vicente at Kenneth Ray Militar.

Si Dela Paz ang dating provincial police director at dating chief of directorial staff ng Negros Island Regional Police Office samantalang si Lamsis naman ang dating hepe ng anti-illegal drugs task force sa Antique.

Dati namang nakatalaga sa Regional Police Office si Gomboc samantalang sina Vicente at Condag naman ay nasa ilalim ng Iloilo provincial police.

Si Militar ay dating hepe ng Molo District police station sa Iloilo City.

Ang walo ay kabilang sa 19 na pulis sa Western Visayas na kinilala ni Pangulong Rodrigo Duterte na umano’y mga protektor ng iligal na droga sa naturang lugar.

Mariing namang itinatanggi ng mga naturang pulis na sangkot sila sa illegal drug trade.

Read more...