Hanggang sa kasalukuyan, wala pang umaangkin sa magkakasunod na mga pagpapasabog na naganap sa lalawigan ng Leyte at North Cotabato.
Pinangungunahan na ng PNP ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente.
Umabot sa kabuuang 54 katao ang nasaktan sa mga pagsabog na naitala sa Hilongos, Leyte at bayan ng Aleosan, North Cotabato nitong nakalipas na araw.
Sa Hilongos, umabot sa 32 katao ang nasugatan nang tamaan ng mga shrapnel sa kambal na pagpapasabog sa gitna ng kapistahan Miyerkules ng gabi.
Samantala, may naganap ring pagsabog sa bayan ng Aleosan, North Cotabato at sa Midsayap nito ring nakalipas na araw na ikinasugat rin ng 22 iba pa.
Una rito, inihayag ni Pangulong Duterte na mga Moro na sangkot sa agawan ng teritoryo sa droga ang may pakana ng pagsabog sa Leyte.